Saturday, January 21, 2023

Nararamdaman ba ng pusa na malungkot ang kanilang amo?

 Cat lover ka rin ba? Sabi nila mabuti ang puso mo pag malapit ka sa mga aso/pusa. Masasabi ko di naman ako ganun kabait kasi wala naman perfect na tao, minsan may mga mali tayo nagagawa. Noon ayaw ko mag alaga ng pusa kasi nga magulo pwedeng ung pagkain mo akyatin sa mesa, makulit at dagdag obligation. May mga aso kami bilang bantay at smpre tinuturing din namin pamilya. One day naenganyo ako ng mga pamangkin ko mag adopt ng pusa hanggang sa nanganak sabi ko sa pusa ko na un bigyan ako na itim na pusa, at yun nga binigyan ako kahit na ung walang posibilidad na bigyan nya ko ng black cat kasi brown ung nanay at tatay . Sobrang tuwa ko para kasi nakikinig ung mga alaga kong pusa. Parehas lalake anak nila isang itim at isang tiger black na stripe. Kaya alaga ko na sila mula ng pinanganak sila ,tinuring na parang mga anak at spoiled pagdating sa pagkain.

Lumaki na sila parehas silang malusog,magiliw,malambing at ramdam mo na mahal ka nila. 

Pwde ko idescribe si tisoy (pangalan para naman ramdam nya na maputi sya )ung pure black na pusang bahay inaabangan lang ang pagkain at tutulog na bihira mo makita lumabas ng bahay ,lalabas lang pag lalabas rin ako.

At si tiger ung may black na stripe ,suplado sa iba pero sweet sakin, madalas makita mo nasa halamanan papasok lang ng bahay pag nagugutom o gusto nya makipaglaro sa kapatid nya o maglambing sakin.

Minsan trip ni tisoy at tiger na tabihan ako sa pagtulog,dati ayaw ko sa pusa kasi nga mabaho ung pupu nila pero napansin ko pag tatabi mga yan naglilinis sila parang nahihiya din. Madalas si tiger ung katabi ko ppwesto sa uluhan then parang manghihilot at parang nagbabasa nga yun kung ano habang nag ccellphone ako. Sobrang mahal ko sila parehas ganun din iba ko pang pusa. Isang araw isa sa pinakamalungkot na nagpaiyak talaga sakin ,nakita ko si tiger na nakahandusay sa kalsada at akala ko napilayan lang hanggang sa makalapit na ko sa kanya na nakita ko labas na ang bituka sobrang parang naidasal ko na sana di si tiger yun ,na sana kamukha lang pero talagang ung alaga ko eh, malapit na pumatak luha ko dahil ayaw ko na masagasaan pa siya uli at madurong ng tuluyan hinila ko na sya at ginilid sabay takbo para humingi ako ng tulong sa tatay ko, at dun di ko na napigilang umiyak. Sabihin oa pero sobra sakit sa pakiramdam na makita mo yung pusa mo na tinuring mo ng anak na wala ng buhay. Wala ng maglalambing sayo at mamgungulit sa higaan. Pinilit ko parin sya puntahan habang naghuhukay ang aking ama., halos di ako makapaniwala nawala sa isang iglap ang aking kaibigan na pusa na tanggap ka kahit wala ka pang ligo, na tanggap ka kahit ano ka pa. Hinahaplos ko sya sa ulo at mukha pinakikiramdaman kung may konting hininga pa sya ,pinagmamasdan ang mata na nakadilat na parang may laan pa sya na nakikita nya rin ako na umiiyak at nasasaktan sa nangyari sa knya. Pero wala na talaga sya buhay pilit ko pinipikit mata nya ngunit ayaw pumikit. Hanggang sa tinanggap ko na wala na sya. Paalam mahal kong pusa , yun nalang ang tanging nasambit ko. :(

Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya namimiss ko parin sya ,minsan nga natanong ko may kaluluwa ba ang pusa. Isang gabi namiss ko na naman ang pusa ko biglang tumabi sakin ang kanyan ama na hindi naman nya ginagawa. Pinagmasdan ko si miming ang kanyang ama gayang gaya nya kilos ni tiger, biglang pumuwesto sa uluhan ko. Kaya minsan natatanong ko kung may kaluluwa ba ang mga pusa. Siguro naramdaman lng ni miming na nalulungkot ako.

Mahalin natin mga alaga natin dahil mas double yung pagmamahal na naibibigay nila sating mga tao. At sana maging maingat po tayo sa kalsada at hintuan po natin o iwasan pag may nakita tayong aso /pusa dahil may buhay din po sila at pamilya na naghahantay . 




No comments:

Post a Comment

Nararamdaman ba ng pusa na malungkot ang kanilang amo?